Anang pangulo ng organisasyon na si Rez Cortez, “Kami na ang kikilos sa mga members namin, lalong-lalo na ‘yung nasa listahan. Kung kailangan ipa-drug test, kung kailangan ipa-rehab, tutulong kami. Kami na ang magpu-pulis ng aming ranks.”
Ayon sa ulat ni Ivan Mayrina sa 24 Oras, isa ang showbiz sa mga tinututukan ng PNP sa kanilang kampanya laban sa droga sa ilalim ng Oplan Double Barrel Alpha. Ani NCRPO Chief P/Chieft Supt. Oscar Abayalde, hindi raw nila isasapubliko ang listahan ngunit ibinahagi niyang kabilang ang shabu, cocaine, at party drugs sa mga ginagamit ng mga celebrities sa kanilang listahan.
Sambit niya, “Continuous naman ang ating validation. Sabi ko nga, pwede itong mabawasan, pwede itong madagdagan. Kung siguro sila nagpa-drug test at ma-prove talaga nila na talagang hindi naman sila gumagamit ‘no, pweed namang ma-delist ‘yang mga ‘yan.”
Hindi pa rin daw nakikita ng actors guild ang listahan ngunit patuloy na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PDEA at Dangerous Drugs Board. Pakiusap nila, huwag daw sanang pag-initan ang kanilang industriya dahil sa kanilang trabaho at lifestyle. Mariin din nilang tinutulan ang pagsasapubliko ng listahan.
Pahayag ni Rez, “’Yung mga mayroong sagutin sa gobyerno, may sagutin sa taumbayan katulad ng mga pulis, ‘yung mga pulitikko, mga public servant, [hinalal sila ng bayan]. ‘Yun pong mga artistang ito ay mga user lang. Ito ay biktima, ito ay sakit na kailangan gamutin at nangangailangan ng tulong.”
SOURCE: GMA
No comments:
Post a Comment