Propellerads

Monday, September 26, 2016

WOW: Solenn Heussaff reveals how she met .

"How to be you po?"
Ito ang madalas na itinatanong ng marami sa Kapuso host-actress na si Solenn Heussaff, na maliban sa magandang mukha at pangangatawan ay maipagmamalaki rin ang talento sa pag-arte, pagkanta, pagpinta, pagluluto, at marami pang iba.

Bida si Solenn sa  "Encantadia, "A1 Ko Sa'yo," "TriPinas," at "Taste Buddies," at kamakailan lamang ay naganap rin ang kaniyang kauna-unahang art exhibit, ang launch ng kaniyang fitness and recipe book, at ang release ng kaniyang ikatlong album.

Pati ang love life at barkada ni Solenn ay hinahangaan rin ng marami dahil sa kanilang matibay na samahan.

Ayon kay Solenn, sa loob ng anim na taon niya sa showbiz, nagpapasalamat siya sa mga oportunidad na ibinigay sa kaniya--sa loob man o labas ng industriya.

Sa ngayon, kontento na raw ang aktres sa lahat ng naibigay at patuloy na naibibigay sa kaniya.

Aniya, "I'm very content with life right now, I'm content with myself. 

I'm doing different things—I have acting, music, I had my first painting exhibit this year, I got married this year, I have some restaurant businesses."
"I'm just enjoying myself right now, and I have the means to do so right now. I have the time to do the things I enjoy doing. I'm just very pleased with how everything's going," dagdag pa ng aktres.


Ano nga ba ang sikreto upang maging #FriendshipGoals at #RelationshipGoals?

Ayon kay Solenn, malaki ang respeto at pagmamahal nilang magkakaibigan sa isa't isa kaya naman kitang-kita sa harap man o likod ng camera ang kanilang matibay na samahan.

"Even when we're put up for the same job, we're not the type na 'Ay, bakit siya?' We're always happy for each other," aniya.

Dagdag pa ng Kapuso star, "It's all positive vibes, positive energy, surround yourself with good people."



Kakaiba naman ang ibinahagi niyang sikreto sa relasyon nila ng kaniyang asawang si Nico Bolzico, 
na pinakasalan niya nitong nakaraang Mayo.


"The secret to marriage, though a lot of people might disagree, is live-in. Live-in first because you will never know someone unless you live-in with the person," pagbabahagi ni Solenn.

Payo niya pa sa lahat, "Be with someone that let's you be yourself."

Maliban sa promotion ng kaniyang bagong album, abala rin si Solenn sa pagbida niya sa hit Kapuso fantasy series na "Encantadia," comedy series na "A1 Ko Sa'yo," at lifestyle shows na "TriPinas" at "Taste Buddies."

Matapos rin ang matagumpay na launch ng kaniyang librong "Hot Sos," pinaghahandaan na ng Kapuso actress ang reality show na "It Girls," kung saan masisilip ng mga manonood ang buhay niya at ng kaniyang mga kaibigang sina Georgina Wilson, Isabelle Daza, at Liz Uy.


Nais rin daw ng aktres na bumida pa sa mas maraming independent films, magkaroon ng ikalawang art exhibit, at gumawa ng kaniyang sariling personal blog o website.

no pa nga ba ang hindi kayang gawin ng isang Solenn Heussaff?
"I can't dance. Hindi ako marunong sumayaw. Super tigas ng katawan ko. I wish I could dance. That's my biggest frustration. If I could take classes for it, I would," aniya.




SOURCE: GMA

No comments:

Post a Comment